Nanindigan si Iranian President Masoud Pezeshkian na ayaw na niyang palawigin pa ang giyera nila ng Israel.
Subalit handa silang tapatan ang anumang gagawing pang-aatake sa kanilang teritoryo.
Isinagawa ng Iranian President ang pahayag ng tawagan siya ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Giit nito na hindi sila ang nagsimula ng giyera kung saan dahil dito ay maraming mga sibilyan na ang nasawi maging ang mga scientist at military lider nila.
Dedepende lamang ang pakikipagsali nito sa nuclear talks sa US kapag natigil na ang ginagawang pag-aatake ng Israel.
Tiniyak naman ng pangulo ng Turkey na handa silang mamamagitan para tuluyan ng matigil at mapababa ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Magugunitang mayroong 24 katao na ang nasawi sa Israel kung saan 592 naman ang sugatan habang sa panig ng Iran ay aabot sa 224 katao na ang nasawi mula ng simulan ang pag-atake ng Israel nitong Biyernes.