Tinanggal ng NBA ang naunang ipinataw na technical fouls kina Kevin Durant ng Warriors at kay Clippers forward JaMychal Green.

-- Advertisement --

Ang hakbang ng NBA ay matapos ang pag-revjew sa video sa nakalipas na laro noong Huwebes sa Game 3.

Nauna nang ikinagulat ng dalawang players ang dpuble technical na tinawag sa kanila sa third quarter.

Sa naturang laro ay wagi ang defending champion, 132-105 at abanse na sila sa serye 2-1.

Batay sa patakaran ng NBA kung makatipon ang isang player ng pitong technical fouls sa postseason may parusa ito na game suspension.

Sa ngayon meron nang dalawang technical fouls ang hawak ni Durant na ipinataw sa kanya ng referee.