-- Advertisements --

Inanunsyo ngayon ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na ipagpapaliban muna ang mga aktibidad kaugnay sa paggunita ng taunang Araw ng Kagitingan sa Abril 9, 2020.

Ang nasabing programa ay bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga Filipinong nakipaglaban sa mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ayon sa abiso ng PVAO, minabuti nilang kanselahin ang nakatakdang public events dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease.

Maliban dito, hindi rin muna isasagawa ang mga nakahanay na aktibidad para sa veterans week na naka-schedule mula Abril 3-7, 2020.

Sa kabila nito, hinimok ng ahensya na patuloy pa ring alalahanin ang kabayanihan ng ating mga kababayan na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.