-- Advertisements --

Plano ng International Olympic Committee (IOC) sa abisuhan ang mga miyembro nito na iwasan ng magsagawa ng international events sa Indonesia.

Kasunod ito sa ipinagbawalan ng Indonesia na lumahok sa mga atleta ng Israel sa World Artistic Gymnastics Championships dahil sa pag-atake nila sa Gaza.

Sa ginawang pulong ng IOC executive board ay nagpasya sil an tapusin ang anumang pakikipag-usap sa Natioal Olympic Committee ng Indonesia at hindi ganapin doon ang mga events gaya ng Olympic Games, Youth Olympic Games, Olympic events at conferences.

Inamin naman ni Indonesian sports and youth minister Erick Thohir na may kaakibat na kaparusahan ang kanilang ginawa at handa nila itong tanggapin.