-- Advertisements --
Atty Dante Gierran
Atty Dante Gierran

Naniniwala si Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra na kakayaning gampanan ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Guierran ang kanyang tungkulin bilang bagong Philhealth president.

Kasunod na rin ito ng pagtatalaga ni Pangulong Duterte sa kanya sa naturang ahensiya.

Sinabi ni Guevarra, mayroon namang legal background ni Gierran at mayroon ding accounting background dahil sa sa pagiging Certified Public Accountant (CPA) nito.

Bilang dating pinuno ng NBI, taglay daw ni Gierran ang investigative skills at may sapat na administrative abilities na akma para pamunuan ang Philhealth.

Dagdag ng kalihim na dahil sa mga kakayahan ni Gierran, naniniwa siyang kaya nitong pamunuan ng cleansing process at kakayaning magpatupad ng mga reporma sa Philhealth.

“Former NBI director gierran’s legal and accounting background, his well-known investigative skills, administrative abilities, and fiscal prudence make him fit for the philhealth top position, and equip him well to pursue the cleansing process and reformation at philhealth to their logical conclusions,” ani Guevarra.