Inaasahan na raw ng Bureau of Immigration (BI) na hanggang sa sa susunod na taon ay mababa pa rin ang bilang ng mga international passenger na papasok dito sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng pagbulusok sa 79 percent ng bilang ng mga international travelers na pumasok dito sa bansa dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ang pandemic ang naging dahilan para magpatupad ng mas mahigpit na travel restrictions ang bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente base sa statistics, 3.5 million passengers lamang ang dumating sa bansa mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon kumpara sa 16.7 million noong 2019.
Sa kabuuang bilang, nasa 2.03 million naman ang mga Pinoy na dumating habang 1.54 million ang mga banyaga.
Noong nakaraang taon, nasa 8.7 million na mga Pinoy at 7.9 million foreigners ang puamasok sa bansa sa kaparehong period.
Pero hindi na raw nakapagtataka kung ang 13 million drop sa figures dahil na rin sa covid pandemic.
Sa ngayon, patuloy pa rin naman ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mas mahigpit na restrictions sa mga international travel lalo na’t mayroon nang bagong strain ng virus ang kumalakat sa ibang bansa.
“We expect these passenger statistics to remain low perhaps until early next year. But we remain hopeful that the international travel sector recovers soon, especially once the vaccine reaches our shores and confidence in travel is restored,” ani Morente.