-- Advertisements --
Untitled 1

Hinimok ng international think tank na Stratbase ADR Institute ang pamahalaang Pilipinas na lalo pang paigtingin ang joint patrols sa West Philippine Sea, kasunod ng pagbangga ng Chinese vessel sa resupply vessel ng ating bansa.
Ayon kay Stratbase ADR Institute President Dindo Manhit, malinaw na nakakabahala ang naturang pangyayari at hindi dapat na balewalain.
Naniniwala ang grupo na sinasadya ng China ang mga mapanganib na maniobra upang tila subukin ang kapasidad ng ating panig.
Malinaw umanong paglabag ito sa international law at maituturing na provocative at iresponsable.
Kaya naman, mahalagang mabalang ang joint patrols, kasama ang United States, Australia, Japan, Canada, South Korea at European Union, sa lalong madaling panahon.