-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Patuloy ang pagtaas ng foreign tourist arrivals sa Isla ng Boracay dahil sa patuloy na international flights ng ilang mga airline companies sa pagitan ng Kalibo International Airport at Incheon International Airport.

Ayon kay Engr. John William Fuerte, head ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan na maliban sa flag carrier na Philippine Airlines, mayroong apat na iba pang South Korea-based carriers ang nag-o-operate sa paliparan.

Ang T’way at Jin Air ay may daily flights habang ang Air Seoul, Air Busan at PAL ay may naka-schedule na flights na tatlong beses sa isang linggo.

Inaasahang sa katapusan ng taon ay magkakaroon rin ng international flights mula sa ibang bansa maliban sa South Korea.

Ito ay kasunod ng napabalitang kanselado na ang international flights sa nasabing paliparan.

Sa kasalukuyan, halos araw-araw na ang domestic flights sa Kalibo airport na may rotang Kalibo-Manila at Manila-Kalibo.