-- Advertisements --

Naglabas ng arrest warrants ang International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin at opisyal ng gobyerno nito na si Maria Lvova-Belova.

Ito ay may kaugnayan sa sapilitan nilang pagpapalikas sa mga bata mula Ukraine patungong Russia.

Sinabi ni ICC President Piotr Hofmanski na responsable ang dalawa sa war crime na iligal na pagpapalikas sa mga kabataan mula Ukraine papuntang Russia.

Pinipilit ni Lvova-Belova na ipaampon ang mga batang mula Ukraine sa mga mag-asawang Russian.

Malinaw aniya na responsable si Putin sa nasabing war crimes.

Ang nasabing anunsiyo na ito ng ICC ay ilang araw mula ng paglabas ng mga balita na plano ng korte na magbukas ng dalawang war crimes cases na may kaugnayan sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.