-- Advertisements --
Labis na ikinakabahala ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang patuloy na labanan sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni ICRC president Mirjana Spoljaric Egger na ang mga natatamaan na mga essential infructure ay isang uri na rin ng giyera sa sibilyan.
Mas nakakabahala kung tamaan ang mga nuclear sites ng Iran dahil sa mas magiging matindi tiyak ang pinsala.
Kasama rin itong nanawagan na dapat ay magkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng Iran at Israel.
Magugunitang ibunyag ni US President Donald Trump na nagkakaroon na ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Iran matapos ang pagbibigay niya ng hanggang 48 oras para buksan ang Strait of Hormuz.














