-- Advertisements --

Nagdeklara na rin si Ecuador President Daniel Noboa ng internal armed conflict sa kanilang bansa na nag-aatas sa security forces na i-nutralisa ang mga criminal groups na naghahasik ng matinding karahasan.

Ito ay matapos pasukin ng mga armadong suspek ang isang television network na pag-ari ng gobyerno ng Ecuador na nakabase sa Guayaquil habang naka-ere o live broadcast.

Nagpaputok pa ang mga suspek at pinadapa ang mga empleyado ng nasabing tv network.

Ayon sa National Police ng Ecuador na rumesponde na sa lugar ang kanilang special units at kalaunan ay naaresto ang lahat ng armadong suspek at inilikas ang mga staff ng naturang media outlet at nailigtas at buhay ang lahat ng mga staff at binihag mula sa network.

Narekober din ang 4 na baril, 2 granda at mga pampasabog at 13 katao ang naaresto na papanagutin sa batas dahil sa gawain ng terorismo ng nasabing grupo.

Ang nasabing insidente ay kasunod ng pagdeklara ni President Daniel Noboa ng state of emergency matapos na nakatakas ang high-profile gang leader na si Adolfo “Fito” Macias.

Mula ng ideklara ang state of emergency ay nasa pitong police ang dinukot.

Maraming mga sasakyan din ang sinunog ng mga pinaniniwalaang gang members.

Nakabantay na rin ang Armed Forces ng Ecuador sa lugar para tulungan ang mga otoridad na maaresto muli si Macias.