Pinag-aralan ngayon ng Inter-Agency Task Force ang pag-amyenda sa joint memorandum circular na magpapalakas sa pagsawata sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa bansa.
Ito’y matapos inihayag ni Employment Service Policy and Regulation Division Chief Rosalinda Pineda na walang prosecutorial powers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para arestuhon at sampahan ng kaso ang mga iligal na POGO.
Ito ang dahilan aniya na hindi nahuhuli ng ahensiya ang mga illegal POGO workers.
Dahil dito, plano ng IATF na maisama na rin sa member agency ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Magugunitang sa kasalukuyan, naging bahagi ng naturang task force ang Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Immigration (BI), DOLE, Department of Foreign Affairs (DFA), PAGCOR at Department of Trade and Industry (DTI).