Naibenta na ng Sports Illustrated ang intellectual property rights nito sa Authentic Brands Group.

Umabot sa $110 million ang halaga ng ibenta ng sikat na sports magazine sa Amerika.

Inanunsiyo ito ng may-ari ng magazine na Meredith at ang buyer na Authentic Brands Groups.

Nilinaw ng dalawa na patuloy pa rin ang pagpapalabas ng kumpanyang Meredith ng magazine at sa kanilang websites.

Sinasabing ang pagsasama ng dalawa ay isang uri ng “strategic partnership”.

Ang kumpanyang Authentic Brands Group ay siyang may-ari ng mga brands ng mga sikat na artista gaya nina Marilyn Monroe at Elvis Presley sila din ang nasa likod clothing retailers na Juicy Couture at mga live events na e-sports at sports gambling.