-- Advertisements --

Sinibak sa pwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Major General Alex Luna ang Deputy Chief of Staff for Intelligence dahil sa umano’v maling listahan ng mga NPA na napatay ng militar.

Epektibo ang pagsibak sa pwesto kay Luna ngayong araw January 28, 2021.

Ayon kay Lorenzana nagmula sa opisina ni Luna sa J2 ang kontrobersyal na maling listahan.

Paliwanag pa niya, malaki itong pagkakamali at hindi pwedeng palagpasin.

Sinabi ng kalihim na isa kasi itong kapabayaan sa trabaho kaya dapat siyang mapanagot.

Matatandaan na kamakailan ay kumalat ang listahan ng mga NPA na umano’y napatay ng militar na umani ng batikos dahil ang iba kasi sa listahan ay maling pangalanan habang ang iba naman ay buhay pa.

“I am relieving MGen Alex Luna from his post as Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, effective today (28 Jan 2021). The publication of an erroneous list, originating from his office OJ2, of alleged NPA killed by the military is an unforgivable lapse. His negligence only shows a lackadaisical attitude towards his job resulting to confusion and damage to reputation. We do not take these offenses lightly and I want to hold the people involved  accountable,” pahayag ng kalihim.