Hinigpitan pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang inspection sa mga indibidwal na lumalabas ng kani-kanilang tahanan.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 at ang detection ng Delta at Lambda variant sa bansa.
Hindi lamang sa mga quarantine control points nagsasagawa ng inspection ang mga pulis.
May mga tauhan din mula sa PNP Highway Patrol Group (HPG) na nagsasagawa ng mobile checkpoint sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang lugar sa Metro Manila.
Layon nito para masiguro na lahat ng lumalabas ng tahanan ay kabilang sa mga authorized persons outside residence o (APOR).
Ayon kay PNP Chief. Gen. Guillermo Eleazar, ang paghihigpit ng PNP ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 at ang detection ng lambda variant sa bansa.
Sinabi ni Eleazar, mahigipit ang ginagawang inspection ng HPG dahil tinitikitan ng mga ito ang mga nahuhuling mga quarantine violators.
Hindi rin aniya ligtas sa tiket o multa ang lumalabag na mahuhuli sa mga quarantine control points.
Mula August 6 hanggang August 15 nasa halos 22,000 na mga non-APOR ang nasita ng PNP sa mga checkpoints.
Pakiusap naman ni PNP Chief sa publiko na sumunod sa health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask, face shield at pag obserba sa social distancing.
Huwag na rin aniyang lumabas ng bahay kung hindi kailangan.