-- Advertisements --

Umakyat sa 8.3% ang mga naitalang insidente ng sunog sa buong bansa para sa unang apat na buwan ng taong 2023 ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Mula noong Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan, nakapagtala ang ahensiya ng 6,155 na insidente ng sunog mula sa 5,691 noong 2022.

Sa reports mula sa BFP Central Office, lumalabas na pumapalo ang naitalang pinsala para ngayong taon dahil sa insidente ng sunog sa mahigit P7.7 billion, mas mataas kumpara sa mahigit P2.093 billion na naitala sa parehong period noong nakalipas na taon.

Ayon sa BFP, ito ay may pagtaas ng 272.5% ng kabuuang danyos sa property dahil sa iba’t ibang insidente ng sunog sa bansa.

Subalit paliwanag ng BFP na may bahagyang pagbaba sa bilang ng fire incident-related casualties kung saan nasa 21 ang naitala mula sa 25 noong nakalipas na taon.

Ang pangunahing dahilan ng fire incidents sa bansa ay ang electrical ignition dulot ng arcing na may naitalang 6821 incidents ngayong taon.

Ang electrical arcing ay kapag ang electrical current ay tumalon sa isang gap sa circuit o sa pagitan ng dalawang electrods o conductors ng kuryente.

Isa pa sa pangunahing dahilan ng mga sunog sa bansa ay ang electrical ignition dulot ng loose connection na nakapagtala ng 476 cases ngayong taon.

Umakayat naman sa 554 ang insidente ng sunog dahil sa sigarilyo.

Mula Mayo 1 hanggang 22, nakapagtala ang BFP ng 69 fire incidents sa Metro Manila.