-- Advertisements --
Tiwala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mababawasan na ang mga insidente ng pananabotahe at pagsira sa mga transmission grid sa bansa.
Ito ay matapos na nagkaroon ng kasunduan ang NGCP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na layon ng nasabing memorandum of understanding ang palitan ng mga impormasyon sa pagitan nila ng NICA.
Dahil dito ay matitiyak na wala ng maitatalang aberya sa pagbibigay ng suplay ng kuryente sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.