-- Advertisements --

Inamin ni Japanese boxer Naoya Inoue na ang pagtama ng left hook ni Nonito Donaire Jr ang siyang naging motibasyon nito para tuluyang tapusin ang laban.

Sinabi nito na sa unang round ng laban nilang dalawa ay tumama ang suntok ng the Filipino Flash kaya hindi na ito na nagdalawang isip na gumanti.

Bago kasi ang laban ay desidido siya na maging undisputed champion.

Sakaling nabigo siya sa nasabing laban ay aakyat na lamang siya ng timbang sa 122 pounds.

Magugunitang sa unang round ay pinatumba na ni Inoue si Donaire at nasundan ito sa 1:50 ng ikalawang round kaya itinigil na ng referee ang laban.

Magugunitang noong nagharap ang dalawan sa 2019 ay umabot sa 12 round ang laban at nakuha ng Japanese boxer ang unanimous decision na panalo laban kay Donaire.

Si Inoue ay mayroon ng 23 panalo at walang talo na mayroong 20 knockouts kung saan napanatili nito ang kaniyang IBF at WBA super bantamweight titles at nakuha rin ang WBC belt mula kay Donaire na mayroon ng 42 panalo, pitong talo at 28 knockouts.