CENTRAL MINDANAO – Isang improvised explosive device (IED) ang iniwan sa gilid ng Provincial Road sa North Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police, Major Mautin Pangandingan, tumanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa Barangay Ginatilan Pikit Cotabato hinggil sa iniwang bomba sa gilid ng kalsada

Kaagad isinara ng militar at pulisya ang provincial road habang hinihintay ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng Philippine Army para matiyak ang seguridad ng mga sibilyan.

Ang IED ay gawa sa dalawang bala ng 40MM, isang Internet wire color blue, 12 volts battery at apat na gallon container.

Ngunit sinabi ng EOD unit ng Philippine Army na walang kakayahan na sumabog ang IED dahil hindi nakompleto ang pagbuo nito.

Malaki ang maniniwala ng 6th Infanfry (Kampilan) Division na kaya iniwan ng may dala ng bomba sa tabing daan ay dahil may mga checkpoint ang pulisya at militar sa lugar.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa bayan ng Pikit at buong probinsya.