-- Advertisements --
image 222

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na masusundan pa ang mga job fair sa bansa na malaking tulong para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa na pinabagsak ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod na rin ito ng matagumpay na three-day initial leg ng “Trabaho, Turismo, Asenso” job fair ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOLE nasa mahigit 9,000 ang nakibahagi sa naturang job fair at papalo sa 407 applicants ang naka-secure ng immediate employment habang 8,376 naman ang ikinokonsidetang near-hires.

Sa naturang data kabilang sa mga nakibahaging employers sa National Capital Region (NCR), Central Visayas at Davao Region ay nasa 157 at nakapagbigat ng 8,310 na trabaho.

Binigyang diin ng DOLE na kailangang magkaroon ng human resource requirements ang mga aplikante para makatulong sa pag-recover ng tourism industry sa Pilipinas.

Ayon sa DOLE, ang serye ng job fair na nagsimula ngayong buwan ay magtatapos sa May 2023.