Idineklara na ngayon ng Team Pacquiao na 100 percent nang ready si Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao upang makipagbasagan ng mukha sa loob ng 12 rounds kay WBA “regular” welterweight champion Lucas Matthysse.

Ang pagtitiyak ni coach Buboy Fernandez ay dalawang araw bago tumulak si Pacman patungo ng Kuala Lumpur, Malaysia.

Samantala, sinasabing malaking aral umano ang pagkatalo noong nakaraang taon ni Pacquiao kay Jeff Horn kaya naging maingat sila ngayon sa buong training camp.

May mga ensayo raw na ginawa ngayon si Pacquiao na hindi ginagawa noong hawak pa ni coach Freddie Roach si Manny.

Liban dito, hindi rin daw nila pinasosobrahan sa ensayo ang Pinoy ring icon dahil sa kanilang pag-analisa ay na-overtrain si Pacquiao sa naging laban noon sa Australia.