tuta
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinaalalahanan ng Sorsogon City Veterinary Office ang mga pet owners na ingatan ang kani-kanilang mga alagang aso laban sa parvovirus.

Ang naturang virus ay posibleng tumama at makaapekto sa puso (myocarditis) o bituka (hemorrhagic gastroentiritis) na nakakamatay sa mga tuta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay City Veterinarian Dr. Alexander Destura, karaniwang tuta ang tinatamaan ng virus na naipapasa sa fecal o environmental contamination.

Kung nai-ingest, pumapasok ito at dumadami sa lymphoid tissue na inaatake ang lymph nodes, bone marrows at lining ng bituka, na nagdudulot ng pagdurugo sa loob ng tiyan.

Kabilang sa mga sintomas ng parvovirus sa mga tuta ang pananamlay at walang gana kumain, pagsusuka, paninilaw, matinding pananakit ng tyan, at labis na paglalaway.

-- Advertisement --

Wala pa aniyang partikular na gamot kontra rito na umaasa lamang sa supportive treatment at rehydration, subalit maaari namang pabakunahan ang tuta kung anim na linggo na ang edad.

Samantala, pinawi ni Destura ang pangamba ng publiko sa pagsasabing hindi naman naipapasa ang parvovirus sa tao.