-- Advertisements --
image 60

Tiniyak ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na makatatanggap ng subsidiya ang lahat ng mga informal settler families (ISF) na mawawalan ng tirahan dahil sa gagawing North-South Commuter Railway project.

Sinabi ni DoTr Usec. Cesar Chaves na ang mga apektadong pamilya ay mabibigyan ng rental subsidy sa loob ng 18 buwan.

Sa pamamagitan daw ng loan agreement sa Asian Development Bank ay may mailalaan nang pondo para rito.

Ang pondo naman para sa relocation ay mayroong P3,000 hanggang sa P10,000 na gagamitin bilang rental subsidy at bayad sa mga structures at mga halaman na tatanggalin para sa konstruksiyon ng naturang proyekto.

Sa ilalim ng 2020 memorandum of agreement para sa naturang proyekto, nasa P63 billion ang gagamitin pora sa informal settler family ISF resettlement plan.

Ang P777-billion project ay pinondohan ng ADB at Japan International Cooperation Agency (JICA).

Asahana namang matatapos ito sa taong 2028.

Mayroon itong habang 148 kilometers at magkakaroon ng tatlong segments.

Ito ay ang PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos), PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) at PNR Calamba (Solis-Calamba).

Suportado naman ni House appropriations panel chairperson Elizaldy Co si DOTr chief Jaime Bautista na siyang magpapatupad at magbabantay sa naturang proyekto.