Naniniwala ang karamihan sa mga ekonomista na sisipa pa ang inflation rate sa ikalawang sunod na buwan sa Setyembre matapos na humupa sa anim na magkakasunod na buwan na nag-peak o pinakamataas dito ay ang naitalang 8.7% noong Enero.
Ayon kay Michael Ricafort, chief economist na ang posibleng bumilis ang inflation sa 5.7% noong Setyembre mula sa 5.3% na naitala noong Agosto.
Sa kabila nito, inaasahang huhupa naman ang year-on-year inflation sa susunod na mga buwan dahil sa mataas na base/denominator effects.
Nakikita din ng ekonomista na ang inflation ay babagal sa 4% sa huling quarter ng taon at 3% o mas mababa pa sa unang quarter ng 2024.
Una rito, mula Enero hanggang Agosto 2023, pumalo ang inflation sa average na 6.6% na lagpas sa 2-4% target range ng Bangko sentral ng Pilipinas.