-- Advertisements --
Naharang ng Israel Defense Forces ang missiles na pinakawalan ng mga Houthis.
Ayon sa Israel na gamit ang kanilang air defence systems ay kanilang tuluyang naharang ang projectile ng Houthis na patungo sa kanila.
Walang anumang naiulat na tinamaan o damyos mula sa nasabing missile attack.
Isang hypersonic ballistic missiles ang ginamit ng Houthi target ang Ben Guiron airport malapit sa Tel Aviv.
Tinatarget ngayon ng Houthi rebels mula sa Yemen ang Israel bilang pakikisimpatiya sa Palestine na inatake ng Israel.