-- Advertisements --
image 47

Tututukan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang usapin sa inflation sa bansa kesa sa Federal Reserve’s policy action sa susunod na policy meeting sa darating na Pebrero 16 para pag-aralan ang key interest rates.

Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na sa susunod na pagpupulong ay sesentro ito sa inflationary expectations sa Pilipinas at hindi sa 25 basis points rate increase.

Ayon sa central bank, ang inflation ng Pilipinas ay pasok sa range na 7.5% hanggang 8.3% noong Enero kasunod ng 8.1% rate noong Disyembre na pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon.

Nakatakda namang maglabas ang Philippine Statistics authority (PSA) ng inflation data sa Pebrero 7.