Bumagal ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong buwan ng Marso ayon sa ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Bumagal sa 7.6% ang inflation rate noong nakalipas na buwan mula sa naitalang 8.6% noong Pebrero dahilan para pumalo sa 8.3% ang year to date inflation rate
Paliwanag ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong Marso kumpara sa nakalipas na buwan ng Pebrero ay ang mas mabagal na paggalw ng presyo ng Food at Non-Alcoholic Beverages.
Sa kabila nito, mas mabilis pa rin ito kung ikukumpara sa 4% na inflation noong Marso ng nakalipas na taon.
Pasok naman ito sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 7.4% hanggang 8.2% para noong Marso.