-- Advertisements --

Nananatiling nasa 4.5 percent ang inflation rate noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kapareho ang inflation rate na ito sa naitala noong Abril pero mas mabilis kung ikukumpara sa 2.1 percent noon namang Mayo 2020.

Dahil dito, ang year-to-date inflation rate ay nasa 4.4 percent, mas mataas pa rin kumpara sa target band ng gobyerno na 2 percent hanggang 4 percent.