-- Advertisements --
Isinapubliko na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pinal na ulat ukol sa inflation rate sa nakaraang taong 2020.
Sa report ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr., nairehistro umano ang 2.6 percent na bilis ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.
Pangunahing nakaapekto rito ang matagal na community quarantine, na nagsimula pa noong Marso 2020.
Samantala, nakitaan naman ng unti-unting pagbuti ang kalakalan sa mga nakalipas na buwan, makaraang simulan na ang pagbubukas ng negosyo ng ilang kompaniya at mga komunidad.









