-- Advertisements --

Binawi ng infectious disease expert na si Dr. Rontegene Solante ang kaniyang naunang pahayag at iginiit na hindi pa napapanahon para tanggalin ang public state of emergency para sa COVID-19 sa bansa.

Taliwas sa kaniyang naunang statement kung saan sinabi ni Dr, Solante na napapanahon na para tanggalin ang emergency label sa COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na mababang bilang ng infections ng virus.

Subalit makalipas ang dalawang linggo, nagbago ito matapos na makitaan ng pagtaas sa mga kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa pagpasok ng tatlong variants ng Omicron partikular na ang BA.4, BA.5, at BA.2.12.1.

Aniya ang patuloy na pagpapatupad ng public state of emergency sa bansa ay magbibigay daan din para maipatupad ang mga mitigating measures laban sa banta ng virus at hindi tataas ang mga kaso.

Sinabi din ni Dr. Solante na pabor itong itaas sa Alert level 2 ang Metro Manila para matulungan ang publiko na mas maging maingat mula sa COVID-19 transmission.

Top