Hindi pa handa ang Pilipinas na mailagay sa ilalim ng Alert Level 0, ayon sa isang infectious disease expert.
Sinabi ni Dr. Cecilia Maramba Lazarte, malabong mailagay sa ilalim ng pinakamaluwag na Alert Level status ang Pilipinas kahit sa susunod pang mga linggo.
Iginiit niya na mismong ang World Health Organization na ang nagsabi na walang bansa dapat ang maiiwan sa pagluluwag gayong mayroong iba pang mataas pa rin ang bilang ng kanilang mga COVID-19 cases.
Ayon kay Lazarte, matapos na nagluwag ang Pilipinas sa mobility restrictions ng publiko, bumaba naman ang bilang ng mga indibidwal na naisasailalim sa tests.
Ibig-sabihin, maaring mayroong mga COVID-19 cases na hindi na nakukumpirma dahil hindi na ito nasusuri pa sa pamamagitan ng mga confirmatory tests.