-- Advertisements --
Umakyat na sa 27,722,242 ang kabuuang bilang ng mga nadapuan ng COVID-19 sa buong mundo, mula noong Disyembre 2019.
Sa nasabing bilang, 6,951,742 (99%) ang nasa mild condition at 60,279 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.
Umaabot naman sa 900,878 ang mga binawian ng buhay dahil sa naturang sakit.
Habang 19,809,343 ang mga gumaling at nai-release matapos ang quarantine procedure.
Narito ang 10 bansa na nangunguna sa dami ng COVID cases:
USA
India
Brazil
Russia
Peru
Colombia
South Africa
Mexico
Spain
Argentina