-- Advertisements --
Umakyat na sa 13,445,299 ang mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing mga kaso, 4,974,492 (99%) ang nasa mild condition, habang 59,377 (1%) naman ang serious o critical condition.
Ang Estados Unidos pa rin ang may pinakamataas na COVID cases sa mga bansa.
Pumapalo na sa 3,543,910 ang mga nagpositibo doon at 139,119 naman ang binawian ng buhay.
Habang 580,230 na ang mga nasawi ngayon dahil sa COVID-19 sa buong mundo.
Ang mga naka-recover naman sa sakit ay umaabot sa 7,831,200, matapos ang gamutan at quarantine procedure.