-- Advertisements --

Umakyat na sa 12,386,143 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 4,583,503 (99%) ang nasa mild condition at 58,454 (1%) naman ang serious o critical condition.

Pinakamarami pa ring kaso ng COVID sa mga bansa ay mula sa Estados Unidos na may 3,219,999 cases at 135,822 ang mga binawian ng buhay.

Sa kabuuan, mayroon nang 557,331 na mga binawian ng buhay dahil sa deadly virus.

Habang 7,186,855 naman ang mga naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.