-- Advertisements --
Pumalo na sa 4,181,218 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 2,356,825 (98%) ang nasa mild condition at 47,024 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Pinakamarami pa ring tinamaan ng COVID ay mula sa Estados Unidos, kung saan aabot na ito sa 1,367,638, habang ang mga nasawi naman sa kanila ay 80,787.
Sa kabuuan, ang mga nasawi na dahil sa virus na ito ay 283,877.
At ang mga naka-recover naman ay 1,493,492, matapos ang gamutan at quarantine procedure.