-- Advertisements --

Umaabot na sa 2,556,734 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Nasa 1,631,542 (97%) sa kanila ang mayroong mild condition at 57,245 (3%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19, na ngayon ay umakyat na sa 818,744.

Lumobo naman sa 177,618 ang mga nasawi, habang 690,329 ang mga naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure.