-- Advertisements --
Umaabot na sa 9,353,735 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang 3,774,308 (98%) sa mga ito ay nasa mild condition at 57,911 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Sa mga bansang may kaso ng COVID-19, Estados Unidos pa rin ang may pinakamataas na bilang, kung saan umaabot na ito sa 2,424,168, habang 123,473 ang binawian ng buhay.
Umakyat naman sa 479,805 ang kabuuang nasawi dahil sa deadly virus.
Samantala, umaabot na sa 5,041,711 ang mga gumaling sa nasabing sakit matapos ang gamutan at quarantine procedure.
















