-- Advertisements --
Umakyat na sa 4,014,320 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 2,303,803 (98%) ang may mild condition at 48,699 (2%) naman ang serious o critical condition.
Ang Estados Unidos pa rin ang bansang may pinaka malaking bilang ng mga nagpositibo sa COVID, kung saan aabot ito sa 1.3 million, habang ang mga nasawi ay 78,616.
Sa record naman ng mga binawian ng buhay sa buong mundo, pumalo na ito sa 276,237.
Pero may naka-recover namang 1,385,581, matapos ang gamutan at quarantine procedure.