-- Advertisements --
Umakyat na sa 2,000,065 ang bilang ng mga infected ng coronavirus disease (COVID-19).
Nasa 1,337,111 (96%) sa kanila ay may mild condition, habang ang 51,603 (4%) naman ay nasa serious o critical condition.
Natukoy naman ang Estados Unidos bilang bansang may pinakamaraming naitalang positibo sa COVID-19.
Aabot na kasi sa 614,246 ang mga dinapuan ng deadly virus sa teritoryo ng USA.
Sa kasalukuyan 126,754 na ang namatay sa buong mundo dahil sa naturang sakit.
Habang 484,597 naman ang mga gumaling, matapos ang gamutan at quarantine procedure.