Hinimok ni Indonesian Pres. Joko Widodo sa kaniyang kapwa ASEAN Leaders na maghanda para sa worst case scenario sa gitna ng masalimuot at kumplikadong hamon na kinakaharap ng rehiyon.
Binigyang diin din ni Widodo na siyang Chairman ngayon ng ASEAN Summit 2023 ang pangangailangan sa pagbuo ng ASEAN Vision of 2045.
Sa isinagawang Indonesia’s ASEAN 2023 Chairmanship, layon ngTask Force na paigtingin ang ASEAN’s institutional capacity and effectiveness, sa hangaring ipromote ang regional peace and stability sa mga member states at partner countries.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Pangulong BongBong Marcos na ang Pilipinas ay gagawa ng matapang na hakbang upang lumipat sa renewable at alternatibong teknolohiya sa enerhiya sa isang ligtas at napapanatiling paraan.
Ito ang pahayag ng chief executive sa kanyang interbensyon sa 42nd ASEAN Summit Plenary session.
Sabi ng Pangulong Marcod ang pagkilala na ang mas malinis na enerhiya sa hinaharap ay naka-angkla sa supply ng mga kritikal na mineral, dapat na simulan ng ASEAN na pahusayin ang kooperasyong panrehiyon tungo sa pagpapalakas ng estratehikong industriyal na metal at mineral value chain ng rehiyon.
Ang value-chain ng industriya ng mineral ay kumakatawan sa mga yugto at proseso na pinagdadaanan ng isang proyekto ng mineral upang makagawa ng mga produktong mineral.
Kabilang sa mga pangunahing yugto ng value-chain ng industriya ng mineral ay ang geoscience, exploration, project development, mining, at mineral processing.
Nanawagan din ang Pangulo para sa pagkakaisa ng ASEAN sa paghimok sa mga maunlad na bansa na tuparin ang kanilang matagal nang pangako sa Kasunduan sa Paris, at itaguyod ang internasyunal na batas at ang internasyonal na sistemang nakabatay sa mga patakaran para maipakita na ang regional bloc ang pangako nito sa malayang kalakalan at multilateral trading system.
Suportado din ng Pilipinas ang panukala ng Association of Southeast Asian Nations- Business Advisory Council (ASEAN-BAC) na palakasin ang mga hakbang tungo sa food security, itaguyod ang mas mataas na produksyon, at kilalanin ang “nutrition-enhancing agriculture mechanism” na magbibigay ng mas maayos na sistema ng pagkain sa ASEAN.
Kinilala rin ng Pangulo ang kritikal na tungkulin ng pribadong sektor, lalo na ang mga “nano businesses” sa kanilang ambag sa pagpapalago ng ekonomiya.
Inihayag ni PBBM ang kahalagan ng kooperasyon upang magkaroon ng pagkakasundo sa mga batas at regulasyon sa lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.