-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa si Indonesian President Jokow Widodo.
Mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang sasalubong kay Widodo na darating sa bansa sa Enero 9 hanggang 11.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na labis na ikinakagalak ni Pangulong Marcos ang gagawing official visit ng pangulo ng Indonesia.
Itinakda ang pagpupulong ng dalawang opisyal sa Enero 10 kung saan ilan sa mga maaring talakayin ay ang pagpapaigting ng relasyon ng dalawang bansa.
Magugunitang naging matagumpay ang ginawang state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia noong Setyembre 4 hanggang 6, 2022.