-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tagumpay na nagsimula ang selebrasyon ng Gong Festival Day ngayong araw sa Lungsod ng Baguio.

Nagsimula ang event sa pamamagitan ng parada simula sa Upper Session Road hanggang sa Ibaloi Heritage Garden sa Burnham Park.

Ang parada ay dinaluhan ng iba’t-ibang Indigenous Groups at iba pang organisasyon na nakasuot ng mga native attire habang nagpapatugtog ng gong.

Nakatakdang magbigay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng inspirational message sa pormal na programa pagkatapos ng “Gong-Vergence” parade.

Inaantabayanan din ang pagdaraos ng indigenous games sa Oktubre 20 sa Japanese Garden.

Nabatid na ipinagdiriwang ngayong Oktubre ang ika-pitong Gong Festival sa lungsod na may temang “Towards an Empowered Youth for Culture, Creativity and Ecology.”

Layunin nito na ipagmalaki ang kultura at tradisyon ng Cordillera at sa ilalim ng ipinagdiriwang na IP (Indigenous Peoples’) Month.