-- Advertisements --

Sumali na rin sa hanay ng international COVID-19 vaccine developers na nais makipag-partner sa Pilipinas, ang itinuturing na isa sa pinakamalaking vaccine producers sa buong mundo na Serum Institute of India (SII).

Inamin ng local pharmaceutical distributor na Faberco Life Sciences Inc. na nakipag-partner sa kanila ang SII para maging authorized supplier ng bakunang ginagawa ng Indian company kasama ng isa pang vaccine developer na Novavax ng Amerika.

Ayon kay Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco, dati na silang may partnership sa SII bilang distributor ng mga bakuna laban sa polio at rotavirus dito sa Pilipinas.

“SII has become a supplier of choice for those looking for high-quality vaccines and India has a good track record and enjoys a high level of trust,” ani Villa sa isang statement.

Ngayong buwan nakatakdang magsimula ang ikatlong phase ng clinical trials ng COVID-19 vaccine na gawa ng SII at Novavax sa Estados Unidos.

Una nang binigyan ng fast-track status ng US Food and Drug Administration ang COVID-19 vaccine ng dalawang kompanya.

Ayon sa Department of Health (DOH), nangangalap pa sila ng impormasyon tungkol sa bakunang developed ng Indian company. Pero kung totoo raw ang ulat na ipapasok ito sa bansa, ay kailangan pa rin dumaan ng produkto sa regulatory process.

“This is a recent development and we are currently in the process of gathering more
information. Nevertheless, we reiterate that regardless if the vaccine will be imported
abroad or manufactured locally, these would need to undergo the regulatory process
in our country.”

Dapat din umanong masiguro na may license to operate bilang drug importer ang local distributor, at rehistrado ng FDA ang bakuna.

“Companies which intend to bring medicines and vaccines into the country would need to have a License to Operate (LTO) as drug importer and the products have to be registered in the country.”