-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Indian President Ram Nath Kovind sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagtama ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao.

Magugunitang hindi bababa sa limang indibdwal ang nasawi sa pagtama ng lindol sa rehiyon, gabi ng Miyerkules.

Sa maikling talumpati nito sa Malacañang ngayong hapon, sinabi ni Pres. Kovind na umaasa siya sa mabilis na recovery para sa mga naapektuhang ng lindol.

Ang Indian president ay nasa Pilipinas para sa limang araw na state visit nito.

“At the outset, I wish to express my profound gratitude to you, Excellency, for the gracious warmth and welcome extended to me and to my delegation. I convey my deepest condolences on the loss of life caused by the earthquake in Mindanao and wish a speedy recovery to those affected,” ani Pres. Kovind.