-- Advertisements --
Itinaas ang alerto ng mga pagamutan sa India dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Indian health ministry na nagsagawa na sila ng mock drills para makita ang kahandaan ng kanilang mga pagamutan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Isinasagawa ang mock drills tuwing Lunes at Martes sa buong bansa.
Ayaw kasi ng mga otoridad sa India na maulit ang nangyaring second wave noong 2021 kung saan nabatikos ang gobyerno dahil sa kakulangan ng mga oxygen at hospital beds.
Nitong araw ng Linggo ay nagtala ang India ng halos 6,000 na bagong kaso kung saan sa kabuuan ay mayroon na silang active case na 35,000.
Itinuturing na isang uri ng XBB.1.16 ang uri ng COVID-19 na isang uri ng omicron subvariant.