Itinuturing ang chess player mula sa India ang pinakabatang manlalaro na tumalo sa Norweigan champion na si Magnus Carlsen.
Ang 16-anyos na si Donnarumma Gukesh ay tinalo si Carlsen na hawak ang kampeonato ng halos isang dekada.
Si Gukesh ay edad 16 taon, apat na buwan at 20 araw ay nahigitan ang unang record ng kababayan na si Rameshbabu Praggnanandhaa na tinalo ang world champion noong Pebrero sa edad na 16 taon, anim na buwan at 10 araw.
Sinabi ni Gukesh na itinuturing nito na isang especial na pangyayari sa kaniyang career ang talunin si Carlsen.
Sa simula ng laro ay kontrolado pa ni Carlsen ang simula hanggang sa nagkamali ito sa 25th move na naglagay sa panganib sa queen.
Dahil dito ay napilitan na siyang magresign sa laro.
Ito na ang pangalawang pagkatalo ni Carlsen sa loob ng dalawang araw sa isa batang grandmaster ng India sa Almchess Rapid ng matalo siya sa 19-taon na si Arjun Erigaisi.