-- Advertisements --
Tinalo ng 17-anyos na chess player mula sa India na si Dommaraju Gukesh si world number 1 at five-time world champion Magnus Carlsen.
Naganap ito sa isang blitz event sa Norway Chess Tournament.
Matapos ang panalo ay binigya ng organizer si Gukesh ng cake dahil sa nasabay ang kaniyang pagkapanalo sa kaniyang kaarawan.
Sa nasabing torneo ay maglalaban-laban ang 10 manlalaro sa single round-robin tournament.
Ang nasabing manlalaro ay makakatanggap ng nasa $68,400 habang ang second placer ay mayroong $36,500.
Nagkulang lamang ng 17 araw si Gukesh para maging pinakabatang chess grandmaster ever kung saan siya ay 12 years, seven month at 17 days na ilang linggong mas matanda kaysa sa Russian chess grand master na si Sergey Karjakin.










