-- Advertisements --

Plano ng India na magpadala ng astronaut sa buwan sa taong 2040.

Sinabi ni Indian Prime Minister Narendra Modi na bukod pa sa nasabing plano ay ambisyon din nila ang magtayo ng sariling space station sa taong 2035.

Kinausap din nito ang kanilang eksperto na kung maarin ay makagawa sila ng mission sa planetang Venus at Mars.

Magugunitang noong Agosto ay naging unang bansa ang India na lumapag ang kanilang spacecraft sa south pole ng Moon at noong Setyembre ay naglunsad na rin sila ng rocket para sa pag-aralan ang araw.

Gumagawa na rin Indian Space Research Organization na Gaganyaan project na layon ay magdala ng mga tao sa palibot ng mundo na may taas na 400 kilometers at ligtas silang ibalik sa Indian waters.