-- Advertisements --
Tuluyang sinibak ng gobyerno ng India ang tatlo nila ng air force officers.
Ito ay dahil sa nangyaring accidental firing ng kanilang missile sa Pakistan noong Marso.
Dahil sa pangyayari ay tumindi pa ang tension sa dalawang bansa.
Itinurong dahilan kasi ng India na nagkaroon ng technical malfunctions sa kasagsagan ng kanilang routine maintenance.
Lumabas sa imbestigasyon ng Indian government na ang dahilan ng accidental firing ay dahil sa hindi nasunod ang standard operating procedure.
Magugunitang tumama sa kalupaan ng Pakistan ang BrahMos na isang nuclear-capable cruise missile na ginawa ng Russia at India noong Marso 3.
Lumipad ito sa taas na 40,000 talampakan at bilis na 77 miles per hour sa kalawakan ng Pakistan.