-- Advertisements --
image 29

Pinalagan ng bansang India ang pag-angkin ng China sa New Delhi at iba pang lugar.

Ito ay matapos na maglabas ang China ng 2023 edition ng Beijing map nito na nagpapakitang nasasakupan ng nasabing bansa ang New Delhi at maging ang iba pang mga teritoryong malapit dito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Foreign ministry spokesman Arindam Bagchi na dahil dito ay naglabas ngayon ng “stong protest” ang India sa pamamagitan ng mga diplomatic channels laban sa China at gayundin ang umano’y 2023 standard map na inilabas nito.

Giit ng opisyal, hindi tinatanggap ng India ang mga walang basehang claims na ito ng China nag papakumplikado lamang aniya sa resolusyon sa isyu sa boundary ng bansa.

Ayon sa India, ang dalawang lugar sa 2023 standard map na inilabas ng China ay pag-aari ng kanilang bansa.

Kung maaalala, ang inilabas na protesta ng India ay kasunod ng naging pagpupulong nina Prime Minister Narendra Modi at Chinese President Xi Jinping sa South Africa.